Saturday Feb 13

Published February 16, 2016 by eunyangg

Sinelebrate namin ang 2nd anniversary ng KSP. Mga 2 kami nakarating sa lokal kasi mag aayos pa kami ng lokal. Ang start ng event ay 17:00. Doon na rin kami nagbihis at nag ayos ng aming sarili. Kumain muna kami bago nag start ang event. Una ay yung miss gay, tapos may message note din, tapos nung sumayaw kami osv. Efterfest namin ay kila ate Mhe. Siksikan kami dun. Natulog ako sa isang kwarto dun ng mga 2 hours kasi may trabaho pa ako kinabukasan. Iniisip ko na mag sjukskriven ako pero huwag na. Sayang yung timmar. Tapos ayun, ginising ako ni babe mga 2 or 3 am kasi kila Rod kami makikitulog. Nung nakarating kami sa centralen, ay wala ng papunta kila Rod na bus or tram. Mga 1 hour pa hihintayin namin. Mag 4am na ng umaga yun. Kaya napgdesisyunan namin na maghintay na lang sa central sa loob kasi 1 hour lang din naman may bus na kami papuntang borås. Sila Alexsa lang yung 7 or 8 am yung buss nila papunta sa jönköping. Pero dun na rin sila sa central naghintay. Pagkarating namin dito sa borås mga 6 na tapos naghintay kami sa labas ng bus ng 30 min. Ang lamig lamig. Para akong mamamatay. -8 grader. Tapos ang nipis pa ng jacket ko tapos wala akong panloob sa pantalon ko. Nung nasa bahay na kami. Mga 7 am na. So may time pa ako matulog ng like 3 hours kasi 11 umpisa ko.  Annars lahat ay masaya. Ang sayasaya sa event. Nag enjoy talaga ako.  

   
    
    
   

Advertisements
%d bloggers like this: