Kalmar

Published November 1, 2015 by eunyangg

Nakahiga ako ngayon dito sa kama kasama ko si babe. Nagbabasa siya ng manga sa laptop. Hiniram namin laptop ni mama kasi hindi niya dinala laptop niya. Sabi ko kasi sa kanya kanina na wag na niyang dalhin, kaya sinisisi niya ako kung bakit ba daw sia nakinig sakin kasi ang boring daw. Walang magawa. Nga pala, nandito kami ngayon sa Öland. Hanggang sa tuesday kami dito. Sinundo kami ni mama kanina sa Kalmar tapos nagpunta kami kila tita. Kumain muna kami dun saglit tapos umuwi na. 3 months na rin akong hindi nakakauwi dito sa bahay. Pagdating na pagdating namin nag empake agad ako ng mga damit ko na dadalhin pag uwi namin sa borås. May maleta akong daladala kanina papunta dito pero walang laman. Kasi kukunin ko lahat ng mga damit ko at gamit ko dito sa bahay. Hehehehe. Pupunta kami bukas sa kalmar at makikipagkita kila Shiela, Eloisa, at Dayan. Kakain daw kami sa labas kasi icecelebrate namin yung birthday ni Eloisa in advance. So ayun nga, hanggamg ditolang muna ngayon masusulat ko. Goodnight. Timecheck- 23:16 ..😁😁😁😁

image

Advertisements
%d bloggers like this: