Fikar med babe

Published October 24, 2015 by eunyangg

Hello. Pagkatapos ng trabaho ko nagkita kami ni babe at katatapos niya rin sa school niya. Wala siyang trabaho ngayon. So ibig sabihin magkasama kami buong araw. Habang naglalakad kami may binigay siyang gamot na ispray sa ilong para makahinga ako, kasi may sipon ako. Binili niya habang hinihintay ako kanina. Ang sweet niya talaga.Ang swerte ko talaga sa kanya. Basta swerte ako kasi sa dami dami ng babae dyan ako pa pinili niya.
Naglibot libot muna kami sa  city kanina. Nagpunta kami sa Cervera at may binili siya na gamit sa kusina at gagamitin niya sa trabaho niya. Hindi ko alam pangalan. 😂😂😂 After nun, nagpunta kami sa Åhlens at bumili kami ng isang unan at twalya. 😄 Pagkatapos nun, nagpunta kami sa Wayne’s Coffe para magmeryenda. Ang inorder ko ay Hot Chocolate at chocolate muffins. Ang inorder naman niya ay Double Espresso at chocolate cake.
After nun nagpunta kami sa apoteket kasi bibilhan daw niya ako ng pang-ano sa ilong ko, kasi nagsusugat ba dahil sa kakasisingha ko. Ang bait bait niya talaga. Palagi niya akong inaalala. Kaya super thankful ako dahil nakilala ko siya. ❤ Tapos humanap kami ng mauupuan at umupo muna kami tapos nilagyan niya ako nun sa baba ng ilong ko. Cream sia na mabango.  Habang nakaupo kami bigla na lang namin nakita si tita (mama ni babe) at si Alex (kapatid ni babe) na palabas sa harapan ng shop na inuupuan namin kasama ang isa niyang kaibigan. Sumabay na lang kami sa kanila na umuwi. 🙂
Nung nandito kami sa bahay tumawag si Sheena(kapatid kong bunso). Tapos habang nag uusap kami nawala na lang bigla. Then tumatawag rin si Shiela(kapatid ko). Pagkatapos ng convo namin tumawag ulit si Sheena. Tapoa ayun nagskype kami.

Ngayon nandito ako sa kwarto nakahiga kasama ang pinakamamahal kong lalaki sa buong mundo. Nanunuod siya ng hindi ko alam kung ano yun sa laptop niya 😂;). At heto ako nagsusulat dito sa wordpress ko. Hanggang dito na lang muna ngayon. Late na kasi. Matutulog na ako very soon. See yah!

image

image

Advertisements
%d bloggers like this: