Ang aking Kaarawan

Published June 2, 2015 by eunyangg

Birthday ko pala nung sunday. Tapos cinelebrate namin ni bf ko bday ko sa liseberg nung sabado. Tapos nung sunday may trabaho siya. Pero pagkagising na pagkagising namin ay binati niya ako. Kilig naman ako dun 😂. Nung mga bandang 12 or 1 ng tanghali ay ako at si ate Alexandra(my bf’s sister) ay namasyal muna sa stan. Pumunta rin kami sa vilihan ng flowers kasi mothers day rin ngayon kaya bumili si ate alexandra ng bulaklak kay mommy niya. After nun nagpunta kami sa viskan at nagkape. Tapos tumatawag si babe sakin na mga 4 na daw siya matatapos at hihintayin daw namin siya. After kami nagkape nabored kami kaya naglakad lakad muna kami. Tapos tumawag ulit si bf na hintayin daw namin sia sa busstation. Naghihintay kami dun ng matagal konti kasi ang tagal tagal niya. Sabi niyang 4 tapos niya pero 16.10 na hindi pa tapos. Kaya tinawagan siya ni Ate Alexa kung nasan na ba daw siya. Sabi niya papunta na daw siya at hintayin lang daw namin siya tapos kasama daw niya si Alex(ma bf’s little brother).  Sabi ni Ate Alexa na baka daw may surprise siya para sakin ahaha. Tapos naexcite ako tapos ayun diko namalayan nasa likod pala na namin siya kasama si Alex at wala namang surprise ahahah pero ok lang kasi pagkakita ko sakanya naging masayang masaya ako kasi kahit ilang oras kaming nagkahiwalay miss na miss ko na siya 😂. Tapos nung makarating kami sa bahay nila nagpunta ako sa kwarto niya at nilagay mga gamit ko dun. Tapos sabi niya punta daw kami sa sala. Tapos nung papunta na kami dun nakita ko sa kusina may mga cake tapos mga decoration kaya nasurprise ako tapos kinantahan nila ako. Hindi ko alam kung anong feelings ko nun. Sobrang saya ko talaga promise. Hindi ko maexplain kung anong nararamdaman ko. Tapos nagthank you ako kay tita imbes sa babe ko. Si babe ko pala yung nag effort. Kaya nahiya ako sa babe ko at nagsorry ATA? Ahahaha. Kaya pala sabi niya na 4 sia matatapos pero natapos daw sia mga 3 tapos ginawa lahat ng to. Im so happy talaga. He’s the sweetest boyfriend ever. Sobrang thankful ako dahil binigay siya ni God sakin. Wala na akong hinihiling pa na ibang lalaki kundi siya lang. Sana siya na ang huli ko kasi siya lang ang gusto kong makasama habang buhay. Ang swerte swerte ko talaga sakanya. ☆
At ayan ang nangyari sa birthday ko. I celebrated my birthday with his wonderful family. ☆

image

image

image

image

Advertisements
%d bloggers like this: