Archives

All posts for the month February, 2015

Published February 22, 2015 by eunyangg

Wala na akong ginawa kundi manood ng episodes ng running man. Yun yung ginawa ko buong linggo na walang pasok. Pasukan na naman bukas. Hay naku. Nakakatamad talaga pumasok sa school. Pero less than 3 months na lang bakasyon na. So tiisin ko na lang. Nandito pala ako ngayon sa bus kasama ang kapatid ko pauwi. Dun kasi kami kay tita namin natulog kagabi. Naggym kami kahapon mula 11 ng umaga tapos nung mag aalauna na, kumain kami sa Thai Silk. Tapos nagpunta muna kami magshopping konti tapos balik agad sa gym. Nung alas kuatro na, sumali kami sa dance na hiphop. Bale one hour un. Tapos after nun. Workout ulit. Kaya pagod talaga ako kahapon. Alas dos ako natulog kagabi dahil nanood pa ako ng running man.

image