Archives

All posts for the day October 14th, 2014

School!

Published October 14, 2014 by eunyangg

Nagpunta ako sa Jenny last Tuesday para kumain ng lunch.Ahahah.. Tapos pagkatapos naming kumain ni Yan ay nagpunta na siya sa klase niya. Eh ako naman nandun sa isang upuan kasi dalawang oras pa ata bago kami magsimula. Tapos habang chinacharge ko ung laptop ko ay may tumawag sakin mula sa second floor. Ung isa kong Kaibigan. Kakatapos lang ng klase nila at maglulunch sila that time tapos niyaya niya ako sa Lunch, eh ang sabi ko na kakatapos ko lang pero pinilit ako kaya ayon nakisama na ako.. Marami rami kaming mga grupo. Mga 10 ata. After naming kumain ay nagpunta kami sa second floor at umupo sa isang upuan na merong ring table. Tapos naglaro kami ng Sanning eller Konka(Truth or Dare). Tapos ayon ang saya. May mga dare na parang “Yakapin mo ung naka red na tshirt doon.” “Hiramin mo ung Jacket nung nakablue na may snapback.” Basta ganun. Kasi marami rami tao noon kasi freetime nun. Una Truth or Dare talaga pero pagkatapos ng ilang rounds Dare na palagi. Wala ng truth kaya masaya.. 😀 Palagi daw nilang ginagawa un, at mas masaya pa pag uwian na kasi mas marami ng tao..

Advertisements

Manicure

Published October 14, 2014 by eunyangg

Meron kaming manicure ngayong araw nato at kakatapos lang. Una naming ginawa ay minassage namin ang kamay ng isat isa. Dala-dalawa kasi sa isang table. Nung minamassage ng kakklase ko ung kamay ko, parang inaantok ako. Ang gaan kasi ng pakiramdam pag may nagmamassage sau. Pagkatapos nun ay minanicuran niya ako. Kulay violet sana gusto ko pero walang violet kaya pink na lang. Ang hahaba ng kuko ko before kami nag umpisang magmanicure, pero ngaun lumiit na. Ung nakikita niyo sa picture na medyo basa o kumikislap ay oil un. Kakatapos lang kasi. 🙂

image

image