TUFF Dag

Published March 25, 2014 by eunyangg

Habang nasa lektion kami ng mga 14:30 ay binalita sa school na sinarado daw ung tulay papuntang Öland kasi humahangin ng malakas at panay ang bagsak ng ulan. Kinabahan ako ng todo kasi hindi ko alam kung paano pa ako makakauwi. Kaya tinawagan ko si Mama tapos ang sabi nabalitaan din nila tapos sabi pa ni mama maghintay na lang daw ako hanggang buksan nila. Kailan pa nila buksan!?Bukas? Kaya tinawagan ko tita ko na papasundo ako sa asawa niya kasi malapit lang sila sa Ölandbron. Pwedeng dumaan ang mga kotse pero hindi pwede ung mga truck at mga buss,, basta hindi pwede ung mga malalaki. Kaya ayun sabi ni Tita nasa trabaho daw pa asawa nia. Halos maiyak iyak na ako kaya tatawagan daw niya ung kaibigan niya na taga sakanila na nandoon pa sa kalmar. At pinapapunta nila ako sa convux kasi doon siya kukuhanin ng asawa nia kaya nagbuss ako papunta don. Nakahinga ako ng maluwag nung nasa kotse na kami at nagpapasalamat ako sa Diyos. Nong nasa may tulay na kami may pulis na nagbabantay. Buti na lang talaga at nakasakay ako sa kotse ng asawa ng kaibigan ni tita. Pagkalampas namin sa tulay, hinatid nila ako sa bahay ni tita. Tapos sinabi ko sa asawa ni tita na pwede ba na ihatid niya ako sa bahay kasi walang buss na masasakyan, sabi niya na pwede naman na matulog na lang ako don sakanila pero sabi ko na hindi pwede kasi wala akong extrang damit, eh basa konti buhok ko dahil sa ulan tapos mag eempake pa ako para sa thursday. Kumain muna ako kila tita tapos hinatid ako. Dinaanan rin pala namin ang kapatid ko sa library. Tapos aun nakahinga ako ng maluwag nung nasa tapat na kami ng bahay. Thank you talaga Lord Jesus dahil nandyan ka parati para gabayan ako.
Nakahiga na ako ngayon sa aking kama na preskong presko. At inaantok na ako pero hindi pa ako matutulog dahil itutuloy ko muna ang binabasa ko 😀
Thank you Lord for this day 🙂

Advertisements
%d bloggers like this: