마지막 춤은 나와 함께 <3

Published May 21, 2013 by eunyangg

Kung magiging artista man ako balang araw at papipiliin ako kung ano gusto kong iremake na kdrama, ito ang pipiliin ko “Save the Last Dance For me”.
Gusto ko ito dahil maganda ang story. Natatandaan ko pa, mga year 2005 ko ata ito napanuod at grade 6 ako nuon. Late na ako natutulog nuon para lang mapanuod ito. Late na kasi ng gabi pinapalabas ito sa primetime. Marami na akong napanuod na koreanovela pero ito ang pinakafavorite ko sa lahat.
Ikwento ko sana konti ung story neto, pero sorry di ako magaling magkwento ng mga ganito, imbes na maintindihan niyo, maguguluhan lang kayo! 🙂 Pero tungkol ito sa isang lalaki na mayaman, tapos nagkaamnesia siya then napulot siya nong babae at papa ng babae, tapos tumira siya don sa poder ng babae hanggang hindi pa bumabalik ung memory nung lalaki. Tapos nagkainlove-an sila. After one year bumalik na lahat ng alaala nung lalaki, pero pagkabalik nung alaala niya, hindi na niya maalala ung babae at ung pagmamahalan nila sa isat isa, parang nagkaamnesia rin siya sa one year na pagsasama nila.
Aahahah,, naintindihan niyo? Kung hindi ako rin ei,, xD,, pero maganda siya, promise 😀
Ilang beses ko na tong pinanuod. Sa katunayan may cd pa ako dito. 🙂 100 times ko na atang napanood ito o mahigit.

😀

20130521-212351.jpg

Advertisements
%d bloggers like this: